Naglagay ng Disinfection Chamber sa Awang Airport ang Provincial Government ng Maguindanao.
Layunin nito ay hindi lamang matulungan ang mga Frontliners ng Maguindanao maging ang mga kawani ng Airport lalo na ang mga nagsisiuwiang mga LSIs at ROF ayon pa kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa panayam ng DXMY.
Idinagdag rin ni Governor Bai Mariam ang disinfection chamber hindi lamang para sa mga taga Maguindanao namga LSIs at ROF kundi para sa lahat na mga umuuwing pasahero na taga Cotabato City, North Cotabato at Lanao Del Sur.
Ang Disinfection Chamber ay nakakatulong para masanitized ang mga pasahero lalo na ang mga nagmumula sa high risk area . Tinutukoy rin nito ang body temperature ng isang indibidwal.
Ang inilagay ng Disinfection Chamber sa Awang Airport ay kauna-unahan sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Marami naman ang nagpapasalamat sa naging inisyatiba ng Provincial Government itoy kasabay ng muling pagbabalik ng commercial flight sa Awang Airport.
PDRRMO Mag pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>