Maguindanao Government patuloy sa pagtulong sa mga umuuwing LSIs at ROFs

Abot na 7,203 na mga taga Maguindanao ang naka- avail ng Hatid Tulong Initiatives at Balik Probinsya Program ng pamahalaan.

Sa impormasyon mula kay PDRRMO Maguindanao Officer Baby Boy Imam, 6, 624 ay mga Locally Stranded Individuals habang 579 naman ang Returning Overseas Filipinos.

Nagpapatuloy naman ang inisyatiba ng Maguindanao Government base na rin sa naging direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki -Mangudadatu.


Samantala, gamit na gamit na rin ang ang binuksang Isolation Center sa Old Capitol sa Shariff Aguak.

Sinasabing mula Airport, dire -diretsong dinadala ang mga umuuwing LSI at ROF sa old capitol, at isinasailalim sa proseso.

Agad ring nakikipag -ugnayan ang PDRRMO sa mga MDRRMO ng mga LGU para makuha at matulungan ang mga umuuwing LSI at ROF.

Samantala extended pa rin ang MGCQ sa buong probinsya habang pwede na ring lumabas sa kani-kanilang komunidad ang lahat kaakibat ng pagsunod sa iniimplementang Minimum Health Standards.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments