Isinagawa ang mass signing at oath-taking ceremony ng 1,147 mga guro na hi-nire ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE)-BARMM para sa Maguindanao Schools Division 1 at 2.
Ayon kay MBHTE-BARMM Chief Of Staff Atty. Haron Miling, nagsimula ang pagproseso sa aplikasyon ng mga guro noon pang October 2019. Sumalang din ang mga ito sa istrikto at mabusising proseso. Nakatakda na ring ideploy ang mga ito sa Maguindanao.
Hindi pa mabatid ni Atty. Miling kung kailan ulit sila magkakaroon ng hiring ng mga bagong guro sa sa buong BARMM.
Anya, bago isinasagawa ang recruitment process ay kailangan munang masiguro na may budget para dito mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Pinangunahan naman ni Minister Mohagher Iqbal ang okasyon kahapon.(Daisy Mangod)
BARMM Pic