Lalaki arestado ng DOS MPS matapos tagain ang kanyang byanan at 2 bayaw

Tinaga ng isang lalaki ang byanan nito at dalawang bayaw pa nito dahil sa hindi pagkaka-unawaan sa Barangay Labungan, Datu Odin Sinsuat -Maguindanao.
Kinilala ni DOS-PNP Deputy Chief Police Capt. Paisal Macmod ang mga sugatan sa pananaga na sina Edgard Uga, 45 anyos, mga anak nitong sina Embark Uga, 18 anyos at Edmark Uga 21 anyos.
Ang suspek naman ay kinilalang si Alijun Ventura, na agad na naaresto ng mga pulis.
Una rito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek na si Ventura, byanan nito na si Edgard at mga bayaw na sina Embark at Edmark.
Dahil llamado dahil tatlo ang kalaban, sinasabing kinuha ni Ventura ang isang bolo at tsaka pinagtataga ang mga biktima na maswerte namang hindi napuruhan at patuloy nang ginagamot sa ospital ang mga tinamo nilang sugat.(DAISY MANGOD)

Facebook Comments