Hindi maisalarawan ang kasiyahan ng mga opisyales mula Maguindanao Province at mga LGU nito matapos tanggapin ang SGLG Award 2019.
Isinagawa ito sa Manila Hotel at pinangunahan mismo ni DILG Secretary Eduardo Ano.
Dumalo rin sa okasyon si BARMM MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo.
Present din si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Kabilang sa mga achiever ng SGLG 2019 ang LGU Buldon, Barira, Datu Abdullah Sangki, Datu Paglas, Datu Piang, Guindulungan, Sultan sa Barongis, Mother Kabuntalan, Matanog, Paglat, Shariff Aguak, South Upi , Sultan Kudarat at Upi.
Nagpaaabot ng kanyang pagbati sa lahat ng mga LGU mula lalawigan ng Maguindanao na achiever ng Seal of Good Local Governance ngayong 2019 si Governor Mariam Sangki Mangudadatu o GMSM.
Pinasalamatan ng Gobernadora ang mga inisyatiba at mga pagsisikap ng mga opisyales para makamit ang natatanging parangal mula DILG.
Patunay lamang aniya ito na May Tapat na Pamamahala sa lalawigan.
Sa buong Maguindanao, 14 na LGU bukod pa sa Provincial Government ang awardee ng SGLG , pinakamarami sa buong rehiyon.
Kaugnay nito bilang pagbibigay ng pasasalamat,nagbigay ng munting financial incentives si GMSM sa mga LGU na awardee.
Isinagawa ito, kasabay ng isang salo-salo o kanduli sa H2O Hotel sa Manila .
Hinimok naman ngayon ni GMSM ang lahat ng kanyang mga kasamahan na naninilbihan sa pamahalaan na lalo pang pag-igihan ang sinumpaang tungkulin para na rin sa kapakanan ng mga mamayan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>