Mismong si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang nanguna sa inagurasyon ng 100 bed capacity na Covid-19 Isolation Center sa Old Provincial Capitol sa bayan ng Shariff Aguak .
Ang muling pagbubukas ng Old Capitol ay matapos maabandona ng halos sampung taong matapos mangyari ang trahedya noong 2009.
May kuryente, tubig, bukod pa sa may Wifi at TV ang Isolation Center.
Hiwalay din ang kwarto para sa mga babae, lalaki maging sa magkakapamilya.
Nagsagawa rin muna ng dis-infection sa bawat sulok ng Old Capitol ang Provincial Veterinaty Office para maisiguro ang kalinisan nito.
Pinagawa ang Isolation Center sa loob lamang ng limang araw dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga umuuwing LSI at ROF ayon pa kay Governor Bai Mariam
Sa ngayon, nasa 7000 LSI at ROF na ang natutulungan ng Maguindanao Government ayon naman kay PDRRMO Nashrullah Imam.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni IPHO Maguindanao Chief Dra. Elizabeth Samama ang naging pagsisikap ng Provincial Government para sa pagtugon at paglaban sa COVID-19.
Bagaman , may 38 kaso na nag Corona Virus sa Maguindanao, at 11 na lamang ang nasa Isolation Center ng IPHO, maituturing na matagumpay ang kampanya ng Maguindanao Government laban dito giit pa ni Dr. Samama.
Bukod sa Old Capitol, gagamitin na rin ang dating Provincial Jail na nasa Compound lamang din ng Kapitolyo bilang Isolation Center.