Manila, Philippines – Hiniling ni Presidential Adviser on Peace Process Secretary Jesus Dureza sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ibalik ang 192.5 million pesos na inilabas noong 2012 sa ilalim ng payapa at masaganang pamayanan o Pamana program.
Ipinunto ni Dureza ang pagkakaantala ng pagpapatupad ng 100 milyong pisong halaga ng pagko-kongkreto ng Lamud-Ganassi-Biarong road sa bayan ng South Upi at 150 milyong piso concreting ng Makir-Sibuto-Kinabaka road sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Aniya, dapat ipinatupad ito ng nakaraang administrasyon noong Hulyo 2012 dahil naibigay na ang pondo sa AFP.
Ang pondo ay galing sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na inilabas ng Office of Presidential Adviser on Peace Process (OPPAP).
Samantala, handa namang ibalik ng AFP ang hindi nagamit na pondo sa Bureau of Treasury (BTr).