Maguindanao Vice Governor nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang mga Bakwit ng Talitay

Nagpaabot ng ayuda si Maguindanao Vice Governor Datu Lester Sinsuat sa mga residenteng naapektuhan ng naglalabang grupo sa Brgy. Kilalan Talitay, Maguindanao

Bigas, delata, noodles , gatas, ang ilan lamang sa laman ng food items.

Bukod sa foodacks, namahagi rin ng Cake at may pa ice cream si VG Sinsuat sa mga lumikas na sibilyan.


Naitaon ang relief distribution sa kaarawan ni VG Datu Lester.

Nagpapasalamat naman ang nasa 350 na pamilyang nabigyan ng tulong. Pinasalamatan rin ni Brgy. Kilalan Kuli Mama Datulukas si VG Sinsuat at napiling ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda.

Nanawagan naman si VG Sinsuat sa magkalabang grupo na maging mahinahon at mag-usap . Hindi aniya sagot ang pagpapalitan ng putok.

Isinagawa ang relief distribution sa Brgy. Ambolodto Gym sa Datu Odin Sinsuat, isang kiliometro lamang ang layo mula sa Brgy. Kilalan

Kasalukuyang hindi pa rin nakakauwi sa kani kanilang tahanan ang mga lumikas na mga residente .
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments