Gender ng panganay nina Coleen Garcia at Billy Crawford, alamin!

It’s a baby boy!

Ito ang inihayag ng soon-to-be parents na sina Coleen Garcia at Billy Crawford.

Ginawa ng mag-asawa ang virtual gender reveal kahapon sa kanilang Facebook page, YouTube channel at video streaming app na Kumu.


Ang gender reveal party ay mahalaga rin kina Coleen at Billy dahil kasabay ng selebrasyon ay nagsagawa rin sila ng fundraising para sa UNICEF para sa pangangailangan ng mga ina at kanilang mga anak.

Ayon kay Billy, isang blessing ang paparating na angel sa kanilang buhay kaya marapat lang na ibahagi nila ang natatanggap na biyaya.

Nitong May 2020 nang ianunsyo ni Coleen na limang buwan na siyang buntis.

Facebook Comments