Magulang na hindi nagbibigay ng sustento sa anak, maaring ipakulong

Maaring sampahan ng kasong kriminal ang sinumang magulang na hindi magbibigay ng sustento sa kanilang anak.

Ayon sa mga eksperto, paglabag sa Section 5 Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act ang hindi pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga supling.

Dagdag pa nila, maituturing itong kaso ng pang-aabuso sa aspetong pinasyal o economic abuse.


Sakop ng naturang batas ang mga padre pa pamilya ng bata, kasal man o hindi.

Sa ilalim ng Republic Act 193 to 222 o Family Code, kailangan magabot ng kaukulang panggastos ang sinumang magulang para sa medical, edukasyon, transportasyon, pagkain, pananamit, at iba pang basic need ng isang bata.

Nakabatay din sa pangangailangan ng paslit ang sustentong ibibigay ng isang tatay o nanay.

Kapag napatunayang nagkulang ang isang ina o ama, puwede siyang makulong mula 6 na buwan hanggang 12 taon at papatawan ng multang P100,000 hanggang P300,000.

Facebook Comments