Mga mall owner, pinaalalahanan ng PNP na higpitan ang seguridad sa mga mall ngayong holiday season

63

Pinaalalahanan ng Philippine National Police ang mga mall owner na higpitan ang seguridad sa mall ngayong holiday season.

Ayon kay PNP Spokesman Police BGen. Bernard Banac, mas aktibo kasi sa mga ganitong panahon ang mga kriminal para makapanlamang sa kapwa.


Para hindi aniya malusutan, dapat mas paigtingin ang security screening sa mga entrance at gawing masusi ang inspeksyon sa mga bag.

Kagabi lang, isang guwardya ang patay matapos labanan ang holdaper sa Starmall San Jose Del Monte, Bulacan.

Habang nitong Sabado naman ay 4 na magnanakaw ang napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa J Center Mall sa Mandaue Cebu.

Tiniyak naman ni Banac na mayroong mga police assistance desk sa na malapit sa bisinidad ng mga mall para agad na maka-responde sa panahon ng pangangailangan.

Facebook Comments

From Advertisers