Magulang ni Kian, hinarap ni Pangulong Duterte sa Malacañang

Manila, Philippines – Bilang sagot sa hiling ng mga magulang ni Kian Delos Santos ay haharapin ngayon ni Pangulong Duterte ang mga ito sa MalacaƱang Park.

Hindi pa rin naman naglalabas ng impormasyon ang MalacaƱang sa kung ano ang buong detalye ng pag-uusap ni Pangulong Duterte at ang mga magulang ni Kian.

Ang pulong ay naganap pagkadating ng Pangulo sa MalacaƱang mula sa kanyang aktibidad sa Pampanga.


Matatandaan na sa interview kay Pangulong Duterte kanina sa Pampanga ay sinabi nito na walang garantiya na maiiwasan ang nangyari kay Kian.

Minura din naman ni Pangulong Duterte si United Nations rapporteur Agnes Calamard matapos ang pahayag nito na dapat ay huli na ang kaso ni Kian na paglabag sa karapatang pantao at ang nangyari sa binatilyo ay isang kaso ng murder.

Facebook Comments