Mahabang daytime, asahan pagkatapos ng “vernal equinox”

Makararanas na ang Pilipinas ng mas mahabang araw o daytime.

Ayon sa PAGASA, mangyayari ito pagkatapos ng tinatawag na “vernal equinox”.

Ang vernal equinox ay mangyayari sa March 21 kung saan magiging pantay lamang ang oras ng araw at gabi.


Hudyat din ito ng pagsisimula ng tag-sibol o spring sa northern hemisphere o hilagang parte ng daigdig mula sa equator kung saan matatagpuan ang bansa.

Sa southern hemisphere o katumugang bahagi ng mundo ay makararanas naman ng tag-lagas o autumn.

Facebook Comments