Mahabang proseso sa pagpaladala ng disaster text alerts, pinuna ni Senator Recto

Manila, Philippines – Pinuna ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang madalang na pagpapadala ng disaster text alerts sa publiko.

Ang sinisisi ni Recto ay ang mahabang proseso para ito ay maisagawa.

Sa ngayon kasi ay kailangan pang ipadala ng PAGASA ang text alert sa operations center ng NDRRMC at kailangan pang aprubahan ng Executive Director nito bago maipadala sa mga telecommunicaiton companies o telcos at mai-send sa publiko.


Giit ni Recto, sa halip na dumaan pa sa NDRRMC ay dapat derekta nang makipag-ugnayan ang PAGASA at PHIVOLCS sa mga telcos para agad na maihatid sa mamamayan ang warning ukol sa masamang lagay ng panahon o kaya ay lindol at iba pang kalamidad.

Katwiran ni Recto, hind na kailangan pa ang “middle man” tulad ng NDRRMC sa pag-anunsyo ng kalagayan ng panahon o iba pang kalamidad dahil ito ay dapat madaliang maiparating sa publiko para mapaghandaan.

Nais din ni Recto na mapasama ang MMDA sa maaring makipagugnayan ng direkta sa telcos para sa pag-setup ng hotline o direktang papadala ng text alert ukol sa baha.

Facebook Comments