Nagbabala si Senator Chiz Escudero na posibleng makwestyon sa Korte Suprema ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.
Kasabay pa nito ang babala ng senador na hindi dapat madaliin ang pagpapasa sa MIF dahil anumang bagay aniya na minamadali ay hindi maganda ang kalalabasan.
Pinayuhan ni Escudero na bigyan ng armas ang solicitor general para maipagtanggol ang MIF sa Supreme Court.
Nakukulangan ang mambabatas at nalalabuan sa ilang probisyon ng panukala.
Sa pagsisimula ng “period of amendments” kahapon ay kinwestyon ni Escudero ang test of economic viability ng MIF dahil isang business proposal ang ibinibigay sa kanila ng mga nagsusulong ng panukala.
Facebook Comments