Maharlika Investment Fund Bill, tinatalakay na sa Senado

Sinimulan nang talakayin ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Sa panimula ng pagdinig, inihayag ni Committee Chairman Senator Mark Villar na magiging mabusisi at maliwanag ang pagtalakay sa mga isyung nakapaloob sa Sovereign Wealth Fund.

Tiniyak din ni Villar na hindi mamadaliin ang deliberasyon ng panukala at bibigyan ito ng sapat panahon.


Siniguro rin ng senador na “best version” ng Maharlika Fund Bill ang kanilang gagawin.

Bukas din para sa suhestyon, proposals at mga alternative ang panukala lalo na sa publiko na maaaring mag-iwan ng komento sa comment box ng pagdinig.

Kasama rin sa mga tatalakayin ng komite ang House Bill 6608 ng Kamara na unang inaprubahan kaakibat ang mga amyenda na isinusulong dito.

Samantala, kapansin-pansin na walang economic managers ang humarap sa unang pagdinig ng Maharlika Bill sa Senado at sa halip ay nagpadala na lamang sila ng mga kinatawan.

Magkagayunman, nagsagawa naman ng briefing noong Lunes ang mga economic manager at mga senador kung saan pinag-usapan na rito ang pagkukunan ng pondo, pangangasiwa sa pondo at paggagamitan ng pondo.

Facebook Comments