Maharlika Investment Fund, mahalaga sa pagpapatupad ng infrastructure projects ng gobyerno ayon sa National Treasurer

Importanteng hakbang para sa mga infrastructure projects ng pamahalaan ang pagkakaroon ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ang inihayag ni National Treasurer Rosalia de Leon sa isang forum nitong weekend.

Ayon kay De Leon sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund makakapag-generate ang pamahalaan ng mas maraming pondo para sa mga key infrastructure development programs na magbebenepisyo ang buong bansa.


Ayon pa kay De Leon mayroong 194 projects ang Pilipinas na tinukoy ng NEDA o National Economic and Development Authority na nagkakahalaga ng 9 na trilyong piso.

Mapapadali aniya ang pagpapatupad ng mga infrastructure projects na ito dahil sa mayroong Maharlika Investment fund.

Facebook Comments