Mahigit ₱1-M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Makati City

39

Umaabot sa mahigit isang milyong piso na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina Police Station makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa No. 298 Lot 6, Bato-Bato St., Zone 13, Brgy. Rizal, Makati City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mc Gregor Tibayan, 33 anyos; Edgar Evangelista, 34 anyos; Allan Sagario, 40 anyos; at Dario Hallera, 38 anyos.


Ayon kay Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station Pol. Lt. Antonio G. Balois Jr., nakipag-ugnayan sila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa kanilang ginawang buy-bust operation sa Makati City na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 215 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱1.4 million at buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa apat na mga suspek.

Facebook Comments