PNPA, COVID-19 free na

40

Inihayag ni PNP Chief General Camilo Cascolan na COVID-19 free na ang Philippine National Police Academy o PNPA.

Ito ang iniulat sa kanya ni PNPA Director Major General Gilberto Cruz sa kanyang pagtungo kahapon sa akademya para pasinayaan ang mga bagong pasilidad.


Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 ang 1,098 na kadete at 361 PNPA personnel.

Sa kabila naman na COVID free na sa PNPA, nagtayo pa rin ang akademya ng visual classrooms na gagamitin ng mga guro para hindi na kailangan ang face-to-face lecture lalo’t nananatili pa rin ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Cruz na mananatili sa kanilang mga barracks ang mga kadete habang gagamitin naman ng mga PNPA personnel ang visual classrooms na mayroong malaking monitor sa loob para sa online lecture.

Ginagawa ng PNPA ang mga hakbang na ito para magtuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga kadete kahit mayroong pandemya.




Facebook Comments