Pumalo na sa ₱2,127,409,228.18 halaga ng financial assistance ang naipagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa may 272,390 pasyente na humingi ng medical assistance sa ahensya sa ilalim ng PCSO Medical Access Program o MAP noong 2021.
Ayon sa PCSO, ang mga naayudahan ng ahensya ay para sa confinement, hemodialysis, chemotheraphy, dialysis injection, gamot para sa hemophilia at post-transplant patients.
Paliwanag ng PCSO na umaabot sa 162,123 na mga pasyente ang naayudahan ng ahensya na umaabot sa kabuuang mahigit ₱1.5 bilyon.
Dagdag pa PCSO na ang dialysis injection cases ay may kabuuang ₱6.7 milyon na nakatulong sa 107,891 na pasyente; sa hemophilia ay nagkaloob ang PCSO ng mahigit ₱2.6 milyon para sa 293 pasyente at post-transplant patients na tumanggap ng ayuda na may halagang mahigit ₱19.8 milyon para sa 2,083 indibidwal sa buong bansa.
Karamihan umano ng MAP requests ay mula sa National Capital Region, Region III, Region IV-A at Region VI.
Matatandaan na nitong pandemya ay nagkaloob din ng ayuda ang PCSO sa pamamagitan ng nailatag na charity programs para sa mga marginalized at underprivileged citizen sa bansa.