Nakumpiska ng Regional Highway Patrol Unit-Negros Island Region at mga operatiba sa isang Hino panel van ang mga smuggled na sigarilyo matapos abandonahin ito ng mga suspek nang ma-detect ito ng mga nasabing operatiba.

Narekober sa nasabing inabandonang sasakyan ang hinihinalaang smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱20 milyong.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa koordinasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ilalim ng valid mission order.

Sa ngayon, ang mga nakuhang kontrabando at nasabing sasakyan ay nasa kustodiya na ng pulisya at pormal nang itu-turnover sa BIR para sa legal nitong disposisyon.

Samantala,inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at Republic Act 8424 o National Internal Revenue Code.

Ayon pa kay Highway Patrol Group Acting Director Police Col. Hansel Marantan, pinaiigting na nila ang imbestigasyon sa likod ng mga kasong may kinalaman sa mga ilegal na produktong ipinupuslit lalo na ang pagkokonsidera na dumadaan ito sa backdoor ng bansa.

Facebook Comments