Mahigit ₱46 milyon, initial payout sa mga PUV drivers na sumali sa Service Contracting Program ng DOTr at LTFRB

Pumalo na sa ₱46.1 milyon na halaga ng initial payout ang naipamahagi sa 11,543 driver ng pampublikong sasakyan na sumali sa Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kabilang sa mga benepisyaryo nito ang mga driver ng traditional at modern jeepney at public utility buses mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kung saan ang bawat isa ay nakatanggap ng ₱4,000.

Sa tala ng LTFRB ngayong araw, nasa 38,097 ng public utility drivers ang nakapagrehistro na sa Service Contracting Program at 26,721 sa kabuuang bilang ang sumailalim sa orientation.


Target ng DOTr at LTFRB na makahikayat ng 60 libong drayber na sumali sa programa upang makatanggap ng insentibo mula sa gobyerno sa bawat kilometro na kanilang tinatakbo.

Facebook Comments