Mahigit ₱500 milyong halaga ng fuel subsidy, naibigay na sa higit 78,000 PUJ drivers sa buong bansa

Abot sa ₱562,327,200 na subsidiya na sa ilalim ng fuel subsidy program ang naipagkaloob na sa 78,101 Public Utility Jeepney (PUJ) drivers sa bansa.

Ito ay 57% ng kabuuang pondo na fuel subsidy na nakalaan sa mga beneficiary.

Sa ilalim ng fuel subsidy program, bawat PUJ franchise grantees ay makatatanggap ng ₱7,200 na subsidiya sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada Program (PPP) card.


Para sa mga wala pang PPP cards, kasalukuyang ginagawa ng Landbank of the Philippines ang mga naturang cards.

Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga benepisyaryo na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na regional office para makita ang schedule kung kailan maaaring makuha ang kanilang PPP card sa LBP.

Ang fuel subsidy program ay bahagi ng ayuda ng Department of Transportation at LTFRB sa transport sector na labis na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Facebook Comments