Mahigit ₱67-M halaga ng shabu, nasamsam sa NAIA Complex

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang P67.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Ito ay matapos ang matagumpay na interdiction operations sa Philippine Airport and Ground Services, Inc., NAIA Complex, Pasay City.

Ayon kay PDEG Director Police Colonel Dionisio Bartolome Jr., naaresto sa nasabing operasyon ang isang beautician na kinilalang si Gayzel Marie Reyes Sabile, 40 taong gulang at residente ng Sta. Ana, Manila.


Tumitimbang ng 9,898 gramo ang nakumpiskang ilegal na droga mula sa suspek.

Isasailalim sa documentation at proper disposition ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya.

Facebook Comments