Mahigit ₱180-M halaga ng smuggled na sigarilyo, sinira ng Customs sa Zamboanga City

Tuluyan nang winasak ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasabat nitong smuggled na sigarilyo sa Port of Zamboanga.

Ayon sa BOC, umabot sa kabuuang ₱183 million ang halaga ng mga nasabat na sigarilyo na iligal na ipinasok sa bansa.

Isinagawa ang pagsira sa mga ito sa sanitary landfill sa Brgy. Salaan sa Zamboanga City.


Pinadaanan ang mga sigarilyo sa payloader at binasa ng tubig ng mga bumbero.

Ito na ang ikatlong condemnation o pagwasak sa mga nasabat nilang kontrabando sa Port of Zamboanga.

Una ay ang pagwasak sa ₱245 million na halaga ng smuggled at mga pekeng sigarilyo noong Mayo at noong Setyembre 2020 ay ang pagsira naman sa ₱1.5 billion na halaga ng raw mate.

Facebook Comments