Motorcycle Taxi Technical Working Group, ibinigay na ang go signal sa motorcycle taxi network na ‘Move It’ na magbalik-operasyon

Ibinigay na ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (TWG) ang go signal sa motorcycle taxi network na Move It para makapagbalik-operasyon.

Ito’y matapos ibigay na ng TWG ang certificate of compliance sa Move It na nagpapakita na compliant o nakasunod na ito sa guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa ilalim ng Motorcycle Taxi Pilot Program.

Ang sertipikasyon ay magkakabisa hanggang umiiral ang MC Taxi Pilot Study.


Facebook Comments