Mahigit ₱1M, matatanggap ng 3 Pilipinong mangingisda na nasawi nang bumagsak ang tulay sa Taiwan – Migration Expert

Makatatangap ng 1.5 milyong pisong monetary benefits ang tatlong mangingisda na nasawi matapos bumagsak ang tulay sa Taiwan.

Ayon kay Emmanuel Geslani, recruitment consultant and migration expert makatatanggap umano ng 1 punto limang milyong piso mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ng Pilioinas at Taiwan, sina Abregana Serencio, George Jagmis Impang at  Romulo Ilustrisimo Escalicas Jr na nasawi matapos na bumagsak ang tulay sa Taiwan.

Paliwanag ni Geslani, ang benipisyo mula sa OWWA ay kabilang ang  ₱200,000 accidental benefit plus ₱20,000 burial assistance at $15,000 US dollars accidental death benefit o katumbas ng  ₱750,000 pesos mula sa mandatory insurance na babayaran ng agency/employer.


Dagdag pa ni Geslani na ang Taiwan government ay magbibigay ng katumbas ng ₱510,000 pesos kaya umaabot sa P 1.5 million pesos ang matatanggap ng mga kamag-anak ng tatlong OFW na nasawi.

Una nang sinabi ng Ministry of the Interior’s National Fire Agency na ang oil tanker na dumaan sa tulay noong Martes ang dahilan kung bakit bumaksak ang naturang tulay.

 

Facebook Comments