Mahigit ₱3-M halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa Barangay Pinyahan, QC

Abot sa mahigit ₱3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos salakayin ang isang bahay sa Agham Road, Brgy. Pinyahan sa Quezon City.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng isang notoryus na tulak ng droga.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang arestado na si Ryan Keneth Umadhay alyas Akzee.


Nasamsam sa suspek ang 500 gramo ng shabu na may street value na aabot sa higit sa ₱3 milyong halaga ng mga drug paraphernalia at cellphone na gamit nito sa pakikipagtransaksyon sa mga parokyano.

Si Umadhay ay matagal nang isinailalim sa surveillance dahil sa gawain sa malawakang bentahan ng droga.

Karamihan sa mga parokyano nito ay mga dayo sa nasabing lugar.

Facebook Comments