Mahigit ₱50-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha

Umaabot na sa kabuuang ₱51.4 million ang tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga kababayan nating naapektuhan ng sama ng panahon kamakailan.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC) ang ayuda ay ipinagkaloob sa mga apektadong residente sa MIMAROPA, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10,11 at CARAGA.

Kabilang sa mga naipamahaging tulong ay ang family food packs, emergency shelter, canned goods, bottled water, sleeping kits, hygiene kits, hot meals, modular tent, assistance to individuals in crisis situation at iba pa.


Sa pinakahuling tala ng NDRRMC nasa kabuuang 131,028 na pamilya o katumbas ng mahigit 509,000 mga indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon mula sa 914 na barangay sa mga nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments