Mahigit ₱700K halaga ng mga iligal na paputok, winasak ng NCRPO

Pinangunahan ni National Capital Region Police Office o NCRPO Director PMGen. Jonnel Estomo ang pagwasak sa ₱700,000 halaga ng mga iligal na paputok na nakumpiska ng iba’t ibang police district sa Metro Manila.

Kabilang sa mga winasak ay piccolo, super lolo, atomic triangle, large judas belt, large bawang, pillbox, bosa, goodbye Philippines, Bin Laden.

Gayundin ang goodbye bading, goodbye COVID, kwiton bomb, kwiton parachute, mother rocket, lolo thunder, Coke in can, atomic bomb, five star, pla-pla, giant whistle bomb, kabasi at watusi.


Nagbabala rin si Estomo sa lahat ng police station commander at chief of police na kaniyang paiiralin ang “One Strike Policy” sa mga pulis na magpapaputok ng kanilang baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Facebook Comments