Ibinigay na ng Department of Budget and Management (DBM) sa National Food Authority (NFA) ang mahigit 1.1 bilyong pisong pondo para sa one-time rice assistance sa lahat ng qualified employees at workers sa national government agencies.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, inaprubahan ng kanilang hanay ang Special Allotment Release Order (SARO) at corresponding Notice of Cash Allocation (NCA) kahapon April 12, 2023 batay na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay upang matiyak ang kapakanan ng mga government workers sa pamamagitan nang pagbibigay ng pangangailangan sa bahay kasabay nang pagtulong rin sa mga rice farmers para mas dumami ang kanilang produksyon.
Nabatid na aabot sa mahigit 1.8 mikyon ang government workers, kasama na ang mga Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel ang makikinabang sa rice assistance allowance.
Una nang nilagdaan ng pangulo ang Administrative Order No. 2 na nagbibigay ng one-time assistance na uniform quantity ng 25 kilo ng bigas sa lahat ng kwalipikadong empleyado.
Ibibigay ang rice assistance sa mga empleyado na nagbigay serbisyo hanggang noong November 30, 2022.