Monday, February 16, 2026

Mahigit 1.1 milyong pisong halaga ng ilegal na cooking oil, nakumpiska sa Tarlac

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P1.1 million na halaga ng cooking oil sa Sitio Allied, Brgy. San Rafael, Tarlac City.

Ang nasabing operasyon ay naging posible dahil sa search warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 63, Tarlac City para sa paglabag sa RA 9711 o Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009.

Nakumpiska sa nasabing lugar ang daang-daang cooking oil containers, cooking palm oil, at coconut oil na hindi pasado sa food safety standards.

Ang nasabing mga nakumpiska ay dinala sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Tarlac Provincial Forensic Unit (PFU) Office para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Binigyang-diin naman ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na ganitong operasyon ay patunay sa determinasyon ng PNP na protektahan ang mamamayan at siguraduhing ligtas ang mga produktong nakapasok sa merkado.

Nagbigay babala rin ito sa publiko na iwasan ang pagbili ng mga unverified na mga cooking oil mula sa hindi kilala o hindi otorisadong mga nagbebenta.

Facebook Comments