Mahigit 1.8 milyon na adult population, nababakunahan na sa QC

Umakyat na sa kabuuang 1,823,072 ang bilang ng mga adult ang fully vaccinated o bakunado sa Quezon City.

Pero ayon sa QC Health Department, sa kabila ng marami nang nababakunahan sa lungsod ay patuloy pa rin ang apela ng city government sa mga adult na magpatala na sa QC Vax Easy plus online booking o magpalista sa mga barangay o sa pinakamalapit na health centers.

Ito ay para ma-schedule sa pagbabakuna.


Giit naman ng lokal na pamahalaan, mahalaga na mabakunahan ang bawat indibidwal kaya’t nanawagan sila sa mga residente na makipag-ugnayan na.

Hinikayat din ang mga residente na bakunado na o fully vaccinated na huwag magpakampante kahit sila’y bakunado at sundin pa rin ang health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments