Mahigit 1-million doses ng AstraZeneca vaccines, dumating sa bansa

Karagdagang 1.06 million doses ng AstraZeneca vaccines ang dumating sa bansa ngayong hapon.

Ang naturang mga bakuna ay bahagi ng donasyon ng Japan sa Pilipinas.

Ayon kay National Task Force adviser Dr. Ted Herbosa , ang mga bagong dating na bakuna ay dadalhin sa ibat-ibang bahagi ng bansa.


Target aniya ngayon ng pamahalaan na makapagbakuna ng 1-million hanggang 1.5-million na mga indibidwal kada araw, simula sa susunod na linggo.

Facebook Comments