TEACHING PERSONNELS SA REGION 1 NA NABAKUNAHAN KONTRA COVID19 NASA 79% NA

Nasa 79.78% o katumbas ng 7,900 Teaching personnels ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa buong Rehiyon 1.
Ayon kay Dr. Danilo Bose, OIC-Chief Education Program Specialist, CHED Region 1 isinusulong ng CHED na kinakailangang maraming mabakunahang teaching personnels at estudyante upang mas maraming makapagbukas na institution ngayong second semester o sa susunod na school year.
Dagdag pa nito nasa 23% na rin ang kabuuang porsyento ng mga estudyanteng nabakunahan na.
Samantala, nakatakda namang magsagawa ng mass vaccination sa Pangasinan sa buwan ng Nobyembre.###

Facebook Comments