Mahigit 1-million doses ng Pfizer at AstraZeneca, dadating sa bansa bukas

112

Dalawang batch ng COVID-19 vaccines ang dadating sa bansa bukas.

Pasado alas-2 bukas ng hapon dadating sa NAIA 1 ang 2,000 doses ng AstraZeneca na donasyon ng gobyerno ng Brunei sa Pilipinas.

Pasado alas-9 naman ng gabi bukas lalapag ang Air Hong Kong sa NAIA 3 sakay ang 1,016,730 doses ng Pfizer BioNTech vaccine.


Kinumpirma naman ng Manila International Airport Authority-Media Affairs Division na ang mahigit isang milyong doses ng Pfizer vaccines na dadating bukas ay binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Facebook Comments