Mga pampubliko at pribadong sementeryo kasama na ang mga memorial parks sa bayan ng Kalibo pansamantala munang isasara

23

Kalibo, Aklan — Pansamantala munang isasara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo kasama na ang mga memorial parks sa bayan ng Kalibo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, ngayong taon.
Ito ay basi sa inilabas na Executive Order No. 81 ni Mayor Emerson Lachica.
Layunin nito ay para na maiwasan ang pagdagsa ng mga taong gustong bumisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong panahon ng pandemya.
Pero bago at pagkatapos ng itinakdang petsa ay lilimitahan rin ang mga gustong bumisita ng hanggang 30% na kapasidad ng mga sementeryo at memorial park.
Ipinaalala rin sa nga bibisita na mag observe ng minimum health protocols katulad ng pagsuot ng face mask at social distancing.

Facebook Comments