Mahigit 1 milyong doses ng bakuna, naiturok na sa QC

Umabot na sa 1,483,505 doses ng bakuna ang naiturok ng pamahalaan lokal ng Quezon City para sa QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng healthcare workers, staff at volunteers.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte sa kabuuan, 909,204 o 53.48% ng 1.7 million na target population ang nabakunahan na ng first dose sa lungsod sa kabila ng limitadong supply ng bakuna.

Paliwanag ni Belmonte, malaking bagay ito lalo na ngayong may Delta variant.


Umakyat naman sa 574,301 o 34.64% ang nakatanggap na ng second dose.

Patuloy na hinihikayat ang mga residente at mga manggagawa sa QC na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Ang mga nabibigyan ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system kung saan bawal pa rin ang walk in client.

Facebook Comments