Mahigit 10, 000 loose firearms, nakumpiska ng PNP sa operasyon mula Enero hanggang Mayo ngayong taon

Patuloy na pinaigting ang kampanya ng Philippine National Police (PNP), laban sa loose firearms o mga baril na hindi rehistrado at iligal.

Sa datos ng PNP, umabot na sa mahigit 10, 000 mga baril ang kanilang nakumpiska sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito’y mula January 1 hanggang May 7, 2023.


Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., mahigpit ang kautusan na paigtingin pa ang kampanya sa mga iligal na armas dahil banta ito sa seguridad ng publiko.

Samantala, maliban sa mga nakumpiskang baril mahigit 3,000 indibidwal naman ang kanilang naaresto dahil sa posesyon ng naturang mga iligal na baril.

Naniniwala naman si Acorda na dahil sa mga nabawasang loose firearms ay makatutulong ito sa pagpapababa ng bilang ng mga potensyal na krimen.

Facebook Comments