Meralco may dagdag singil sa kuryente ngayong Mayo

Magpatutupad ng dagdag singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan ng Mayo.

Base sa ipinalabas na abiso ng MERALCO, mahigit sa ₱0.17 sentimo ang itataas ng halaga ng kuryente bawat kilowatt hour dahil sa sumipa na generation charge.

Katumbas ito ng dagdag na ₱35.00 sa mga kumokonsumo ng 200 kwh, ₱53.00 bawat 300 kwh, ₱70.00 kada 400 kwh at ₱88.00 na dagdag bayarin sa bawat 500 kwh.


Matatandaan na una nang nagbabala ang MERALCO sa mas mataas na bill sa kuryente, sa paggamit ng mas maraming appliances dahil sa nararanasang mainit na panahon.

Facebook Comments