Mahigit 100 ambulansya at 2 libong staff at volunteers, ipa-kakalat ng Philippine Red Cross ngayong undas

Handa na rin ang Philippine Red Cross para mag-bigay ayuda sa mga kababayan natin na mag-tutungo sa mga sementeryo.

Ayon kay PRC Chairman at Senator  Richard Gordon, 156 ambulansya at mahigit 1,700 na volunteers at staff ang ipa-pakalat ng PRC sa iba ibang lugar sa bansa.

Sa nasabing bilang ng mga ambulansya, 39 ang roving habang 117 naman ang mga naka-antabay sa iba ibang strategic location.


May mga foot patrollers naman para sa mga lugar na mahirap puntahan.

Mag-tatayo rin ang PRC ng 168 first aid stations at 120 welfare desk kasama na ang sa North Luzon Expressway (NLEX) At South Luzon Expressway (SLEX), Tarlac – Pangasinan La Union Expressway (TPLEX), Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX), mga paliparan, daungan, mga terminal ng bus at maging sa mga beach resort.

Para sa emergency o anumang untoward incidents, maaaring tumawag sa 24/7 operations center ng PRC sa numerong 143 o 8790-23-00.

Facebook Comments