Mahigit 100, arestado sa isinagawang simultaneous police operations sa Parañaque

29

Parañaque, Philippines – Hinuli ng Parañaque PNP ang nasa mahigit isangdaang tao sa ikinasang simultaneous police operations sa labing anim na barangay sa lungsod.

Arestado ang tatlong may existing warrant of arrest, labing-tatlo sa anti-illegal drug operations at anim sa pagsusugal.

Tatlumpung tao din ang lumabag sa ordinansa na naabutan na umiinom sa kalsada at labing-walong lalaki na walang damit pang-itaas kung saan
Halos limampung menor de edad naman ang lumabag sa curfew.

Ayon sa Parañaque police, bibigyan nila ng warning ang mga unang beses na lumabag sa ordinansa habang may multa naman sa ikalawang paglabag at pagkakakulong ang katapat sa ikatlo offense.

May labing-limang motorsiklo din ang kinumpiska matapos walang maipakitang kaukulang dokumento ang mga may-ari nito.

Facebook Comments