Isinusulong na localized peace talk ni Mayor Inday Sara, suportado ng 10th infantry division

52

*Davao,* Philippines – Suportado ng 10th infantry division ng Philippine Army ang hakbang ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na localized peace talks sa pagitan ng New People’s Army sa lungsod.

Ayon kay 10th ID Deputy Commander Brig. Gen. Bienvenido Datuin,na kinikilalal nila ang inisyatibo ng alkalde na magkaroon ng pag-uusap sa CPP-NPA-NDF na nakabase sa Davao City.

Aniya, hindi makakaapekto sa military operations at outreached programs sng localized peactalks na isinsuslong ng lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, binuo ni Mayor Inday Sara ang Davao City Peace Committee na kinabibilangan ng tatlong departamento ng city hall, simbahan at isang barangay kapitan na siyang makikipag-usap sa mga NPA hanggang sa Nobyembre.

Facebook Comments