Mahigit 100 bilyong piso, inilaan ng gobyerno para mapagaan ang trapiko sa buong bansa

Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng Department of Public Works and Highways na malaking pondo ang inilaan ng pamahalaan para mapagaan ang trapik hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Sa briefing sa Malacañang ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ay sinabi nito na 107.8 billion pesos na pondo ang nakalaan para sa traffic decongestion projects.

Popondohan aniya nito ang mahigit 200 bypass roads sa ibat-ibang bahagi ng bansa, mga tulay at iba pang imprastraktura para madecongest ang bansa.


Kabilang aniya sa mga tulay na ipatatayo ay ang tatlong tulay na tatawid sa Pasig River upang madagdagan ang mga dinadaanan ng mga sasakyan na siyang magpapagaan ng trapiko sa Metro Manila.

Paliwanag ni Villar, 2.4 na bilyong piso ang nasasayang kada araw dahil sa trapiko kaya kailangan itong mabigyan ng mabilis at pangmatagalang solusyon.

Facebook Comments