Mahigit 100 distressed OFWs na kabilang sa stranded sa shelter sa Kuwait, dumating na sa bansa

Sakay ng Emirates Airlines Flight EK 336, dumating sa bansa ang 102 distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Shelter ng Philippine Embassy sa Kuwait

Kasamang dumating ng OFWs si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio.

Ayon kay Ignacio, 200 na lang ang distressed Pinoy na naiwan sa shelter at inaayos na rin ang kanilang pag-uwi sa bansa.


Aniya, marami pang OFWs ang patuloy pang dumadating sa shelter matapos makaranas ng hindi maayos na pagtrato sa kamay ng kanilang employers.

Aniya, 20 na OFWs ang dumadating sa shelter ng embahada kada araw.

Ang mga umuwing OFWs ay makakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

Facebook Comments