Mahigit 100 flights, kanselado na ngayong araw; ilang paliparan sa Visayas nakapagtala ng minor damage dahil sa Bagyong Opong

Hindi rin nakaligtas sa hagupit ni Bagyong Opong ang ilang paliparan sa bansa, partikukar na sa Visayas region.

Sa ekslusibong panayam ng RMN Manila, sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Erico Apolonio na nagkaroon ng minor damage ang ilang paliparan, partikular na ang Bicol Airport at biniberipika pa nila kung ilan ang apektado.

Ani Apolonio, patuloy na nakatutok ang kanilang departamento sa sitwasyon ng mga terminal kasunod na rin ng kanselasyon ng ilang biyahe ngayong araw simula pa kahapon.

Nakaalalay na rin umano sila sa mga pasaherong na-stranded para sa kanilang mga pangangailangan.

Samantala, pumalo na sa 138 ang bilang ng mga kanseladong flight ngayong araw, naitala sa 39 na biyahe sa Cebu Pacific Air, 33 sa Philippine Airlines, 25 sa CebGo, 24 sa AirAsia Swift at 13 sa AirSwift, na-divert naman ang apat na biyahe dahil pa rin sa masamang panahon.

Facebook Comments