Mahigit 100 grams ng shabu, nasamsam sa buy-bust operation sa Quiapo, Maynila

56

Arestado ng Manila Police District (MPD) ang tatlong lalaki dahil sa pagtutulak ng mahigit 100 grams na shabu na nagkakahalaga ng halos P7 million.

Naaresto ang mga suspek na sina Nurmilah Ibrahim, 36; Abubakar Maraorao, 31 at Leonardo de Castro, 42.


Sa nasabing buy-bust operation, nagpanggap ang isang pulis na bibili ng halagang isang libong pisong shabu at doon na tumambad sa mga otoridad ang 101 grams na shabu.

Ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments