Umaabot na sa tinatayang 132 hayop na ang nasagip ng Grupong PETA o People for the Ethical Treatment of Animals sa Taal Volcano Island.
Ito’y kahit pa off-limits na sa tao ang Isla sa Bulkang Taal bunsod ng nagpapatuloy pa ring pag-aalburuto ng Bulkan mula pa noong Enero 12.
Ayon sa PETA, may mga nasasagip pa silang buhat na mga hayop tuld ng kabayo, aso, baka, itik sa Isla bagama’t marami sa mga ito ay nangamatay na at ang iba’y tila nabubulok na sa Isla.
Kabilang sa mga pinakahuling nasagip ang isang aso na pinangalanan nilang si Palakitik na madalas sumalubong sa mga volunteer ng PETA sa tuwing magsasagawa sila ng mga aktibidad sa Isla.
Kasunod nito, nag-iwan din ang grupo na nasa 150 kilo ng pagkain para sa mga nasagip nang hayop at kasalukuyang nasa Evacuation Zone sa labas ng 14-Kilometer Radius Zone.