Mahigit 100 indibidwal sa NCR, nahuling lumabag sa ipinatupad ng liquor ban

Aabot sa 105 ang mga naaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa paglabag sa pinairal na liquor ban mula May 8 hanggang kahapon, May 9.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Lt. Col. Jenny Tecson, pinakamarami sa mga lumabag ang naitala sa Quezon City Police District na may 62.

Sinundan ito ng Manila Police District na nakapagtala ng 27, Northern Police District na may 8, Eastern Police District na may 6 at Southern Police District na may 2.


Kabilang na rito ang dalawang empleyado ng barangay na nahuling umiinom ng alak sa kahabaan ng 28th Street sa Brgy. East Rembo, Makati City.

Sinubukan pang manlaban ng isa sa mga kawani ng barangay at nagbitaw pa ng masasakit na salita sa mga pulis pero hindi ito umubra at siya’y dinampot at dinala sa presinto.

Facebook Comments