Viral video tungkol sa pagpunit ng balota ng dalawang lalaking naka-uniporme ng pulis, iniimbestigahan na ng PNP

542

Bine-verify na ng Philippine National Police (PNP) ang mga detalye hinggil sa isang video na viral ngayon sa social media.

Makikita sa video na umano’y dalawang lalaking naka-uniporme ng pulis na nagpupunit ng balota.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, ayaw na muna nilang magkomento hinggil dito.


Aniya, hihintayin niya muna ang resulta ng verification para matukoy kung saan at kailan kinunan ang viral video maging kung tunay bang mga pulis ang gumawa nito.

Sakali aniyang ma-establish na nila ang detalye ng viral video, tiniyak ni Fajardo na gagawin nila ang anumang ligal na hakbang para papanagutin ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments